Welcome sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang naitalang November inflation na nasa 2.5%.
Sa statement na inilabas ng BSP, pasok ito sa kanilang forecast range na nasa 2.2-3.0%.
Sinabi ng Sentral Bank, patuloy ang pagbaba ng inflation at ito ay consistent sa kanilang assessment at inaasahang patuloy na lumalapit sa low-end ng target range sa near term.
Sumasalamin anya ito sa pagluwag ng supply pressures para sa pangunaging food items particular ng presyo ng bigas.
Ang November inflation outturn ay kasama sa nalalapit na monetary board meeting sa December 19.
Tiniyak ng BSP na kanilang ipatutupad ang katatagan ng presyo at sustainable economic growth. | ulat ni Melany Reyes