Tumaas ang bilang ng insidente ng sunog ngayong taon kumpara noong 2023, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Sa tala ng BFP, mula enero hanggang nitong Dec. 30, aabot sa 18,217 ang kabuuang bilang ng sunog sa buong bansa ngayong 2024.
Mas mataas ito ng 11.2% kung ikukumpara sa higit 16,000 sunog na naiulat noong nakaraang taon.
Ilan sa mga kadalasang sanhi ng sunog ay ang open flame mula sa rubbish fire, naiwang sigarilyo, naiwang apoy sa mga sakahan at depektibong electrical wiring ng mga bahay, at mga napabayaang bukas na kalan.
Higit 7,000 kaso rin ng sunog na naitala ngayong taon ay residential fire o sa mga tahanan.
Sa pagpasok ng Bagong Taon, patuloy ang paalala ng BFP sa publiko na panatiling ligtas ang pagdiriwang para makaiwas sa anumang sakuna. | ulat ni Merry Ann Bastasa