Umarangkada na ngayong umaga ang motorcade ng Bureau of Fire Protection (BFP) na “Iwas paputok” Campaign para sa holiday season.
Inumpisahan ang motorcade sa Pasig City at umikot sa mga pangunahing lansangan.
Pinapaalaala ng BFP sa publiko na maging maingat sa selebrasyon ng kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon.
Hinihimok ang publiko na iwasan ang paggamit ng mga mapanganib na paputok upang makaiwas sa disgrasya at sunog.
Makakatulong din ito para mabawasan ang fire-cracker related injury na naitatala kada taon.| ulat ni Rey Ferrer