Isinasagawa ngayong umaga sa Pasig City ang iwas paputok motorcade ilang araw bago ang pagtatapos ng taong 2024.
Nilalayon nitong himukin ang publiko na iwasan ang paggamit ng mapaminsalang paputok at iba pang pyrotechnics devices sa pagdiriwang ng bagong taon.
Pinangunahan ng Pasig City Local Government ang motorcade kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at volunteer groups.
Sa traffic advisory na inilabas ng Pasig LGU, sinimulan ang iwas paputok motorcade kaninang alas-5:00 ng umaga.
Ilang kalsada ang maapektuhan ng aktibidad kabilang dito ang C. Raymundo Ave., Mercedez Ave., Market Ave., Caruncho Ave., F. Manalo St., Urbano Velasco Ave., Sandoval Ave., Luis St., M. Eusebio Ave., F. Legaspi St., Westbank Road., A.Rodriguez Ave., Evangelista Ave., Marcos Highway at Ortigas Avenue.
Iikot din ang motorcade sa Dr. Sixto Antonio Ave., Pasig Blvd Extention, C-5 Road,
Mabini St., P. Burgos St., Lopez Jaena St., Dr Farcia St., R. Jabson St., Julia Vargas Ave., San Miguel Ave., Shaw Blvd, Pasig Blvd, Kaunlaran Bridge at E. Concepcion St.
Dahil dito, inaasahang babagal ang daloy ng trapiko sa mga apektadong kalsada.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa alternatibong ruta para hindi maabala ang biyahe. | ulat ni Rey Ferrer