Nais paimbestigahan ni House Appropriations committee vice chair Jil Bongalon ang reserve funds ng Philhealth.
Aniya sa kabila ng P700 billion reserve fund at higit P500 billion na investible funds ng state health insurer ay bigo pa rin ito na palawigin ang health insurance benefits o pababain ang premium contribution.
Partikular na nais matukoy ni Bongalon kung saan iniinvest ang naturang mga pondo at kung personal bang nakikinabang ang top executives ng Philhealth.
“At just a conservative 4% annual interest, P500 billion could yield P20 billion in income. How much does PhilHealth really make from its investments? Where do they place the funds, and who decides where it’s invested? Most importantly, what’s the criteria for these investments?” tanong Bongalon.
Ang panawagan para sa pagsisiyasat ay kasunod ng desisyon ng kongreso na hindi pondohan ang subsidiya ng Philhealth sa 2025.
Pagtiyak naman ng mambabatas na hindi nito maaapektuhan ang pagbibigay ng health insurance benefits sa mga Pilipino dahil may sapat itong pondo.
Pagbabahagi pa niya na marami sa kaniyang kababayan ang mas gusto pa ang Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program ng DOH dahil nasasagot nito ang kabuuang gastos sa ospital kumpara sa Philhealth na bahagi lang gastusing medical ang nasasagot.
“MAIFIP is the real lifesaver. That should be government’s priority instead of PhilHealth premium subsidies that are only kept in banks,” giit ni Bongalon
Una nang pinababalik ng Department of Finance ang P90 billion na hindi nagamit na subsidiya ng Philhealth at nakatengga lang sa mga bangko, ngunit inisyuhan ng temporary restraining order ng Korte Suprema.
Lumabas din sa budget hearings na hindi nagamit ang P42 billion na Special Allotment Release Orders (SAROs) para sana sa pagpapalawig ng Konsulta Package.
“Despite PhilHealth’s excess funds, hospitals are complaining that the state insurer often fails to pay them on time. Worse, there are reports that some are even forced to pay bribes just to be able to collect. The Filipino people deserve answers,” diin ng mambabatas. | ulat n Kathleen Forbes