Nananatiling committed ang Philippine National Police (PNP) na protektahan ang publiko at itaguyod ang kaayusan gayundin ang kapayapaan.
Ito ang inihayag ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil sa kabila ng mga panganib na kinahaharap ng mga pulis na madali aniyang nakakukuha ng pasasalamat.
Sa isang pahayag, sinabi ng PNP chief, dapat kilalanin, parangalan, at papurihan ang ipinakitang tapang at dedikasyon ng mga pulis sa kanilang pag-aalay ng sarili sa kabila ng kaakibat na panganib ng kanilang tungkulin.
Ipinakita aniya ng mga pulis na humarap sa mga raliyista sa Mendiola ang propesyonalismo at pinairal pa rin ang maximum tolerance sa kabila ng pagiging marahas ng mga demonstrador.
Gaya aniya ni Bonifacio, dapat lamang ding alalahanin ang mga sakripisyo at kagitingang ipinakita ng mga pulis upang mapanatili lamang ang kapayapaan at kaayusan sa bawat komunidad. | ulat ni Jaymark Dagala