Nagpasalamat si Speaker Martin Romualdez sa Senado sa pagbibgay tiyansa sa Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
Ito ay matapos mapondohan ang programa sa inaprubahang 2025 General Appropriations Bill (GAB) sa Bicameral Conference Committee ngayong araw.
Matatandaan na sa inaprubahang bersyon ng Senado ng budget bill ay inalis nila ang P39 billion na pondo ng AKAP, na nakapaloob sa House version.
Nang matanong naman ang House Speaker kung ang mga Senador ay magkakaroon na rin ng AKAP, sinabi nito na maaaring pag-usapan ng dalawang kapulungan ang mekanismo sa pagpapatupad nito.
“Well, we can have arrangements now with the Senate po, we’re looking forward to that. We were supported by the Senate, so maraming salamat sa ating [mga senators].” ani Romualdez
Ang AKAP ay isang programa na ipinapatupad sa ilalim ng DSWD para tulungan ang minimum wage earners at nasa “near poverty line” na apektado ng inflation.
Kabuuang P26 billion ang nakalaang pondo para sa AKAP para sa susunod na taon. | ulat ni Kathleen Forbes