Kamara, tiniyak ang patuloy na suporta sa kasundaluhan; Dagdag na allowance, isusulong sa susunod na budget season

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agad ipinaabot ng House leadership ang magandang balita kay AFP Chief of Staff Romeo Brawner Jr. matapos maaprubahan ang panukalang 2025 National Budget.

Kasunod ng Bicameral Conference Committee, personal na tinawagan ni Speaker Martin Romualdez si Brawner upang sabihin na pasok sa pambansang pondo sa susunod na taon ang mas mataas na subsistence allowance ng uniformed personnel.

Mula sa P150 ay magiging P350 na ito o katumbas ng P10,500 kada buwan.

Pagtiyak pa ni Romualdez, na hahanapan nila ng paraan na maitaas ito muli sa susunod na budget season.

Sa hiwalay na tawag, inanunsyo rin ni Appropriations Committee Chair Elizaldy Co kay Lt. Gen. Facundo Palafox IV, Commander ng Southern Luzon Command, matutupad na ang pangako na itaas ang subsistence allowance ng ating mga sundalo.

Sabi pa niya, na huwag maniwala ang mga sundalo sa ipinapakalat na propaganda ng ilan na mas kumikiling ang Kongreso sa mga makakaliwang grupo. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us