Desidido ang Department of Justice (DOJ) na mas piigtingin pa nila ang kampanya laban sa human trafficking na nambibiktima ng mga inosenteng Pilipino.
Ang hakbang na ito ng DOJ ay kasabay ng pagpapauwi sa 13 Pinoy na biktima ng sorrogate sa Cambodia.
Ayon kay Justice Undersecretary Nicolas Felix Ty, gumagawa na ng mas malakas na kampanya ang Inter Agency Council Against Trafficking (IACAT) para mahuli ang mga sindikato.
Nagpaalala ang opisyal sa mga Pinoy na nais magtrabaho sa abroad na suriing mabuti ang mga iniaalok sa mga online bago ito kagatin.
Ang 13 Pinoy sorrogate mother ay naiuwi kahapon sa Pilipinas matapos itong bigyan ng pardon ng Royal Government ng Cambodia. | ulat ni Mike Rogas
📸 DOJ