Kampanya vs. iligal na paputok, tagumpay — PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) ang matagumpay na kampanya nito kontra sa mga iligal na paputok at inaasahan nilang magtutuloy-tuloy ito hanggang sa magpalit na ang taon.

Ito ang tinuran ng PNP makaraang umakyat na sa 30 indibiduwal ang kanilang naaresto mula sa mahigit 500 ikinasang operasyon nito.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, dahil sa pakikipagtulungan ng publiko sa pag-uulat ng mga iligal na nagbebenta ng paputok kaya naging matagumpay ang kanilang kampanya.

Nangunguna rin ang Boga o improvised canon sa mga nakukumpiska ng PNP partikular na mula sa mga menor de edad kaya’t puspusan din ang panawagn ng Pulisya sa mga magulang na bantayang maigi ang kanilang mga anak.

Bukod pa aniya ito sa mga ikinasang operasyon ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) na nakatutok naman sa bentahan ng paputok online.

Ayon naman kay PNP-ACG Spokesperson, Police Lt. Wallen Arancillo, aabot sa 13 indibidwal na ang kanila namang naaresto dahil sa pagbebenta ng firecrackers at pyrotechnic devices sa internet.

Nananawagan naman ang PNP sa publiko na iwasan ang pagbili at paggamit ng iligal na paputok upang maiwasan ang mga aksidente lalo sa mga bata. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us