Nagdagdag pa ng apat na public market sa Metro Manila ang Department of Agriculture (DA) para magbenta ng ₱40/kilo ng bigas.
Ang well-milled rice ay ibebenta sa ilalim Rice-for-All Program upang makapagbigay sa mga consumer ng option sa gitna ng mataas na presyo ng pangunahing pagkain.
Nagsimula na kahapon sa pagbebenta ng ₱40 /kilo ng bigas ang KADIWA ng Pangulo Rice Kiosks sa apat na pamilihan.
Ito ay ang mga sumusunod:
⁃ Larangay Public Market, Dagat Dagatan, Caloocan City
⁃ Phase 9 Bagong Silang Market, Caloocan City
⁃ Cloverleaf Market,
– Balintawak, Quezon City
⁃ New Marulas Public Market, Valenzuela City
Para maman sa ₱29 kilo na bigas, nagbukas din ng bagong lokasyon ang DA sa kamuning market sa Quezon City, Pasay City Public Market, at .
Ang pinakahuling rollout ay resulta ng pakipagpulong ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel sa rice traders at importers sa Intercity Industrial Estate sa Bulacan.
Tiniyak naman ng mga trader ang kanilang suporta sa Rice-for-All program at pumayag na magbenta ng ₱40- 45 na presyo sa kadiwa ng pangulo kiosks ng DA.| ulat ni Rey Ferrer