Kawalan ng holiday truce, nagpapakita ng hangarin ng CPP-NPA-NDF sa pagsuporta sa karahasan, ayon kay NSC Adviser Eduardo Año

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binatikos ni National Security Adviser Eduardo Año ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa kanilang pahayag na walang magaganap na holiday truce.

Ayon kay Año, nagpapakita lamang ito ng patuloy nilang pagsuporta sa karahasan at armadong pakikibaka.

Dagdag pa ni Año, walang saysay ang nasabing deklarasyon dahil lubos nang humina ang puwersa ng CPP-NPA-NDF.

Aniya, limitado na lamang ang kanilang operasyon sa iisang guerrilla front, dahilan upang hindi na sila makapagsagawa ng malalaking operasyon laban sa pwersa ng pamahalaan o makapag-recruit ng bagong mga miyembro.

Nanawagan naman si Año sa publiko na magkaisa sa pagtutol sa karahasan at suportahan ang mga programang nagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran.

Tiniyak din ni Año na magpapatuloy ang mga military operation upang tuluyang puksain ang nalalabing puwersa ng CPP-NPA-NDF at tiyakin ang mapayapa at maayos na pagdiriwang ng holiday season. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us