Inanunsyo ni Acting Governor Glenda Bongao ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas, parehong sa mga pampubliko at pribadong paaralan, sa buong lalawigan ng Albay sa Disyembre 2, 2024.
Ang hakbang na ito ay kasunod ng Weather Advisory No. 23 na inilabas ng PAGASA ngayong araw, Disyembre 1, 2024, na nagbabalita ng malakas na pag-ulan (100-200 mm) sa Albay mula ngayon hanggang tanghali ng Disyembre 2, 2024.
Ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ay magbibigay pa ng karagdagang mga abiso at updates hinggil sa sitwasyon. | ulat ni Emmanuel Bongcodin | RP1 Albay