Nanawagan kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang nasa 100 medical organizations at labor groups na ibalik sa kongreso ang 2025 proposed budget para muling repasuhin ito at maibalik ang nawalang budget sa Philhealth.
Sa isang pulong balitaan sa QC, sinabi ni Dr. Juan Antonio Perez Il na mahalagang maibalik ang pondo sa Philhealth para hindi masakripisyo ang indirect contributors gaya ng mga mahihirap, senior citizens at persons with disabilities.
Punto ng grupo, ang kawalan ng pondo sa Philhealth ay maituturing na gross violation sa sin tax law, at Universal Health Care (UHC) Act.
Nagaalala din si Dr. Hector Santos, presidente ng Philippine Medical Association (PMA) na baka madelay ang bayad sa mga ospital dahil sa kawalan ng govt subsidy.
Umaasa ang grupo na hindi ito hahayaan ng Pangulo at ibalik ang proposed budget sa kongreso o di kaya ay iveto ito.
Hirit din ng grupo, magpatupad ng reporma sa Philealth alang alang sa kapakanan ng mga pilipino.
Sa oras naman aniyang mapirmahan ng pangulo ang budget, plano ng grupo na iakyat ang reklamo sa Korte Suprema. | ulat ni Merry Ann Bastasa