Kinansela ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kontrata sa Mecel Construction and Electrical Inc (MCEI) kasunod ng rekomendasyon ng Commission on Audit (COA).
Ang MCEI ang contractor ng P557.86 million Medical Plaza Project sa Camp Panopio, Cubao, Quezon City.
Base sa rekomendasyon ng COA, naantala ang mahigit na 25 percent ang proyekto, lagpas sa pinapayagang 15 percent na nakasaad sa batas.
Ayon pa sa ulat ng COA para sa 2023 na inilabas kamakalian, lagpas sa dalawang taon ang overdue ang proyekto mula sa orihinal nitong petsa ng pagtatapos noong Mayo 09, 2023.
Ang Medical Plaza ay itinakda bilang isang makabagong ospital para sa PNP sa ilalim ng nakaraang administrasyon noong 2019 ngunit natigil na ang konstruksyon ng Pebrero ng 2024 na may 34 percent na progreso lamang.
Dahil sa pagkakaantala, hindi na rin makausad ang iba pang bahagi ng proyekto at dagdag na gastos lang sa proyekto.
Inirekomenda ng COA ang agarang pagkansela ng kontrata at pag forfeit sa performance bond ng contractor upang masimulan ang proyekto ng mas maayos.| ulat ni Melany V. Reyes