LandBank, inanunsyo ang patuloy na katatagan nito sa kabila ng ₱50-B na paglipat sa Maharlika Investment Fund

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matapos maglipat ng ₱50 billion sa Maharlika Investment Fund (MIF), sinabi ng Land Bank of the Philippines na nananatili itong matatag sa pinansyal at sumusunod sa mga regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa isang pahayag, sinabi ng LandBank na patuloy nitong natutugunan at kahit lampasan pa ang minimum na kinakailangang Capital Adequacy Ratio (CAR) ng BSP, na sumusukat sa kalusugan ng isang bangko.

Sinabi ng bangko ng gobyerno na ang antas ng CAR nito sa katapusan ng Nobyembre 2024 ay nasa 16.24 porsyento, na mas mataas kaysa sa 10 porsyentong regulasyong limitasyon.

“Following the ₱50-billion seed capital allocation to the MIF in September 2023, LandBank’s CAR stood at 16.2 percent, remaining comfortably above regulatory requirements and reflecting the Bank’s commitment to financial stability,” dagdag pa nito.

Nilinaw din ng LandBank na ang paghiling ng regulatory relief mula sa BSP ay isang maagap na hakbang upang mapanatili ang katatagan ng banko.

“LandBank has consistently adhered to prudent financial management practices, effectively utilizing its resources to promote agriculture, fisheries and rural development, and empower key development sectors,” sabi nito.

Bukod pa rito, nakapag-ambag ang institusyong pampinansyal ng gobyerno ng rekord na ₱32.12 billion sa mga cash dividend sa pambansang gobyerno, na siyang pinakamataas sa mga government-owned and controlled corporations.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us