Ligtas at mapayapang pagsalubong sa Bagong Taon, prayoridad ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil ang lahat ng tauhan nito na gawing prayoridad ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ginawa ng PNP chief ang pahayag bilang pagtitiyak sa mapayapang pagdaraos ng nasabing okasyon gayundin sa kahandaan ng mga pulis na tumugon sa anumang emergency kabilang na ang sunog at mga may kinalaman sa paputok.

May naka-antabay aniyang first aid responders ang PNP para sa mga mabibiktima ng paputok gayundin ay aalalay sila sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa pag-apula ng apoy sakaling may sumiklab na sunog.

Nagbabala pa si Marbil sa sinumang magsusunog ng gulong para iharang sa mga daan na makasasagabal sa kanilang pagtugon sa emergency na mahaharap sa kaukulang parusa.

Kasabay nito, pinag-iingat din ng PNP chief ang publiko hinggil sa peligrong dulot ng mga paputok na maaaring makasira ng mga ari-arian at maging mitsa sa pagkalagas ng buhay. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us