Loan facility para sa pensioners at empleyado ng gobyerno, pinuri ng House Panel Chair

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome para kay House Committee on Labor and Employment Chair Fidel Nograles ang bagong loan program ng Land Bank of the Philippines para sa mga pensioners at government workers.

Aniya maiiwasan na nito ang paglapit ng mga pensyonado at kawani ng gobyerno sa mga loan sharks o mga nagpapa-5-6.

Sa ilalaim ng inilunsad na PeER o Pension and Emergency Relief Loan Facility, maaaring makapangutang ng ₱20,000 to ₱100,000 na may interest rate na 10 percent per annum.

Maaari itong magamit para sa emergency expenses, medical na pangangailangan, at iba pang  mahalagang financial requirements.

Makakakuha nito sa pamamagitan ng LandBank pension accounts o kaya naman sa Emergency Relief Loan, para sa mga regular government employees na may LandBank payroll accounts at naka-isang taon na sa serbisyo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us