Ibinunyag ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na nangunguna ang Land Registration Authority (LRA) at Social Security System (SSS) sa sampung ahensya ng pamahalaan na may pinakamaraming reklamo mula sa mamamayan.
Ayon ito sa year-end report na inilabas ng ARTA para ngayong 2024.
Sinabi ni ARTA Secretary Ernesto Perez, kabilang sa mga reklamo sa LRA ay ang matagal na pagtugon sa usapin ng problema sa lupa.
Ganito rin ang reklamo sa SSS na mabagal ang serbisyo lalo na sa pagtugon sa benefit claims ng mga miyembro.
Ang iba pa na kabilang din sa top 10 Most Complained Government Agencies ang Food and Drug Administration (FDA), Bureau of Internal Revenue (BIR), Philippine Statistics Authority (PSA), Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Land Transportation Office (LTO), PAGIBIG at Department of Foreign Affairs (DFA).
Ipinagmalaki naman ni Secretary Perez ang 98.23% na resolution rate sa mga idinudulog na reklamo ng publiko sa ARTA.
Base sa record, sa 24,092 na bilang ng reklamo na natanggap mula noong Enero 23, nasa 666 dito ang nabigyan ng resolusyon ng ahensya. | ulat ni Rey Ferrer