Maagap na pagbawi ng lupa na binili ng foreign nationals na ginawang POGO, ipinanawagan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si House Justice Committee Vice Chair at Batangas Representative Gerville “Bitriks” Luistro sa mga mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na makipagtulungan sa Kongreso sa pagbuo ng batas, na magbabawal na magmay-ari ng real estate ang mga foreign national.

Sa pagdining ng House Committee on Justice sinabi ni Luistro, dahil sa pagkakadiskubre ng House Quad Committee ng walang habas na pagbili ng mga dayuhan ng lupa na ginawang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), kailangan na maging maagap ng gobyerno upang hindi mai-transfer ang ownership sa mga ito.

Aniya, kung babagal-bagal ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ay wala na tayong aabutan upang mabawi ang mga lupa na dapat ay pakikinabangan ng mga Pilipino.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag nang hanapan ng Komite ng position papers ang mga naimbitahang resource person, upang magbigay komento sa House Bill 11043 o Civil Forfeiture Act nila Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr, House Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez of Quezon; at ang mga Chair ng House Quad Committee.

Layon ng hakbang na i-reinforce ang constitutional ban on foreign land ownership sa ilalim ng 1935 Constitution. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us