Muling magpapakawala ng tubig ang Magat Dam sa Isabela ngayong araw.
Sa inilabas na dam discharge warning operation, nakasaad na bubuksan ng isang metro ang isang gate ng Magat Dam bandang alas-2 ng hapon.
Paliwanag naman ng NIA-MARIIS, ang pagbubukas na ito ay para pababain ang lebel ng tubig sa Magat Reservoir dahil sa posibleng dami ng inflow dulot ng shearline.
Pinag-iingat ang mga residente sa banta ng pagbaha lalo sa mga nakatira malapit sa ilog.
Sa pinakahuling tala ng PAGASA Hydromet, umabot na sa 187.78 meters ang lebel ng tubig sa Magat Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa