Bubuksan na ngayong 9:00 umaga ang Maginhawa Arts and Food Festival 2024 sa Lungsod Quezon.
Dahil dito, asahan na ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa paligid ng Maginhawa St. dahil sa event.
Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan muna ang lugar at pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta.
Simula alas nueve ng umaga, ipapatupad na ang traffic re-routing at tatagal hanggang 12:00 ng hatinggabi ng Linggo, Disyembre 8.
Ayon sa QC Traffic and Transport Management Department, ipapatupad ang two-way traffic scheme sa Malingap St., Mapagkawanggawa St.,
Matimtiman St., at Mahiyain St.
Isasara naman ang mga kalsada simula sa bahagi ng Masinsinan St. cor. B Baluyot St. hanggang Maginhawa St. cor. Mahabagin St.
Pangungunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pagbubukas ng festival at magtuloy-tuloy na hanggang gabi.
Matutunghayan sa event ang mga makulay na sining, outdoor cinema, masasarap na pagkain at live na pagtatanghal ng Imago, SUD, Kiyo, Toneejay at marami pang iba.| ulat ni Rey Ferrer

