Aabot sa P1.5 milyon ang nakatakdang iparaffle ng Government Service Insurance System (GSIS) sa December 17, 2024, sa mga miyembro nito gayundin sa mga pensioners.
Ayon sa GSIS, ito ay isang pasasalamat mula sa kanilang ahensya habang patuloy na hinihimok ang mga ito na gamitin ang GSIS Touch mobile app sa kanilang mga transaksyon.
Paliwanag ni GSIS President at General Manager Wick Veloso, 300 katao ang mananalo ng P5,000 bawat isa.
Dagdag pa ni Veloso na sa pamamagitan ng paggamit ng GSIS Touch, hindi lamang naa-access ng miyembro ang kanilang datos kundi mas marami pa silang makukuhang tsansa na manalo.
Ang mga mananalo sa raffle ay pipiliin gamit ang audited electronic system.
Habang ang premyo naman ay otomatikong papasok sa mga GSIS eCards ng mga winners at sila ay ino-notify gamit ang kanilang email o cellphone number. | ulat ni Lorenz Tanjoco