Mahigit 12,000 barko, dumaan sa EEZ ng Pilipinas nitong Nobyembre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit sa 12,000 barko ang naitalang dumaan sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng PIlipinas sa West Philippine Sea (WPS) at sa iba pang bahagi ng bansa nitong Nobyembre.

Batay sa isang buwang monitoring ng Armed Forces of he Philippines (AFP) mula Nobyembre 1 hanggang 30, nakapagtala sila ng 12,837 barko na dumaan sa WPS.

Sa naturang bilang, nasa mahigit 10,000 rito ang dayuhan habang mahigit 2,000 naman ang domestic vessels.

Habang may 58 Chinese Coast Guard (CCG) at People’s Liberation Army Navy (PLAN) ang namataan sa iba pang features ng Pilipinas sa nasabing karagatan.

Samantala, pinawi naman ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, RAdm. Roy Vincent Trinidad ang pangamba ng publiko, sa paglutang ng Russian Submarine sa Cape Calavite sa Occidental Mindoro.

Sa pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni Trinidad na normal para sa isang kilo-class submarine na magsagawa ng charging at re-fuel sa ibabaw ng dagat bilang isang hybrid engine submarine.

Kaya naman imposible ani Trinidad ang mga lumulutang na ispekulasyon na nange-espiya ang Russia sa Pilipinas. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us