Nagsidatingan na sa National Sports Academy Center sa Alabel, Sarangani Province ang mga magsasakang benepisyaryo ng ipamamahaging Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROMS) at land titles ngayong ala-una ng hapon.
Kaugnay nito, nakatakdang pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang gagawing distribusyon kasama si Department of Agrarian Reform Secretary.
Aabot sa 13,527 COCROMS at 1,251 Land Titles ang ipagkakaloob ng Pangulo sa mga magsasaka na gaganapin dito sa Sarangani National Sports Center sa bayan ng Alabel.
Nasa 11,699 beneficiaries ang makikinabang sa nasabing certificates at land titles, kung saan nagmumula ang mga ito sa mga probinsya ng Sarangani, South Cotabato, North Cotabato, at Sultan Kudarat sa Region 12.
Inaasahan namang makakatulong ang COCROMS na maresolba ang mahigit P900M na utang ng mga magsasaka sa Soccskargen area. | ulat ni Macel Mamon Dasalla | RP1 Davao