Pinangunahan ng Albay Provincial Health Office (APHO) ang apat na araw na payout kasama ang Provincial Treasurer’s Office (PTO).
Maliban sa tig-iisang libong insentibo, nakatanggap din sila ng mga gift items gaya ng mga home at kitchen appliances.
Ayon kay Albay Provincial Health Officer Acting Officer-in-Charge (OIC) Dr. Estela B. Zenit, naging matagumpay ang naturang selebrasyon at pagbibigay-pugay sa natatanging serbisyong hatid ng itinuturing na isa sa mga frontliners pagdating sa healthcare service delivery sa lalawigan.
Umaasa naman si Dr. Zenit na sa susunod na taon ay madaragdagan pa ang maibibigay na insentibo sa mga ito.
Dinaluhan ng 1,517 na Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNS), at Barangay Reproductive Health Officers (BRHOs) mula sa first district ang nasabing distribusyon ng annual incentives, habang 1,447 naman ang mula sa third district, at 1,400 mula sa second district ng probinsya. | ulat ni Paul Hapin | RP1 Albay