Pinirmahan na ng Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang bagong Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Revised Penal Code.
Layunin nito na mabigyan ng mas masusing pagrebyu sa profile ng mga Persons Deprived Liberty na posibleng magawaran ng maagang paglaya.
Kabilang sa nilalaman ng bagong IRR ay ang pagpapa-igsi sa sentensya ng mga bilanggo sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance.
Sa pagtaya ng DOJ, Bureau of Corrections, at Bureau of Jail Management and Penology, mahigit 9,000 mga bilanggo ang maaaring magawaran ng parole dahil sa kabutihang asal na ipinakita ng mga ito sa loob ng piitan.
Simula nang maupo ang Marcos Jr. administration, pumalo na sa 350% ang nabawas sa jail congestion sa buong bansa dahil sa mga programa na ipinatupad ng pamahalaan upang mapaluwag ang mga piitan. | ulat ni Mike Rogas