Nasa higit 70,000 trabaho ang naghihintay sa mga jobseekers sa Mega Job Fair ng Malabon LGU ngayong araw, December 3.
Gaganapin ang job fair sa Malabon Sports Complex mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, ito na ang ikalimang Mega Job Fair na inorganisa ng pamahalaang lungsod ngayong 2024.
Aniya, inorganisa ng Public Employment Service Office (PESO) ang naturang job fair kung saan nasa 86 na kompanya ang mag-aalok ng iba’t ibang trabaho sa local at overseas.
Hinikayat ng Malabon LGU ang mga jobseeker na magdala ng maraming kopya ng resume at sariling ballpen, magsuot ng angkop na kasuotan, at ihanda ang sarili para sa posibleng interview sa employer, at silipin ang listahan ng mga kompanya at available job vacancies sa FB page ng Malabon City PESO. | ulat ni Merry Ann Bastasa