Malabon LGU, nagpaalala para sa ligtas na pagsalubong ng Bagong Taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagpaalala ang Malabon Local Government sa mga residente para sa ligtas na pagsalubong ng 2025 sa lungsod.

Alinsunod sa City Resolution 187-2017, may dalawang itinalagang Common Fireworks Area sa lungsod kabilang ang Malabon People’s Park sa Brgy. Catmon at Plaza Diwa sa Brgy. Tugatog.

Dito lamang maaaring magsagawa ng community fireworks display upang matiyak ang kaligtasan ng bawat Malabueño.

Hinihikayat din ang paggamit ng mga alternatibong paraan ng pagpapailaw at pampaingay upang maiwasan ang mga aksidente mula sa paputok.

Paalala ng LGU, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit o paglalaro ng anumang uri ng paputok o pyrotechnic device sa labas ng mga itinalagang lugar. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us