Malabon LGU, nanawagan sa pagpapanatili ng kalinisan sa lungsod ngayong holiday season

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa gitna ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, hinikayat ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang mga opisyal ng 21 barangay na tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa lungsod.

Ayon sa alkalde, nais nitong makita ngayong taon na kahit nagdiwang at nagkasiyahan ay mapapanatili pa rin ang kalinisan sa lungsod.

Nakahanda aniya ang mga kawani na bantayan at panatilihin ito ngunit mas masisiguro ang kalusugan ng bawat isa kung ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ay mag-uumpisa sa mga komunidad at tahanan ng bawat pamilyang Malabueño.

Kaugnay nito, hinikayat ni City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Officer-in-Charge Mr. Mark Mesina ang 21 barangays na pakilusin ang mga personnel para tumulong sa paglilinis sa mga main road at iba pang lugar na kadalasang tinatambakan ng basura.

Pinaalalahanan din ang mga opisyal ng barangay at mga residente tungkol sa Reduce, Reuse, and Recycle o 3Rs.

Hinikayat din ang bawat residente na agarang iulat sa pamahalaang lungsod kung may mga insidente ng iligal na pagtatapon o hindi wastong pamamahala ng basura sa kanilang mga komunidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us