Malacañang, binigyang diin na hindi susuportahan ang impeachment complaint na inihain laban kay VP Sara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan ang Malacañang sa hindi pagsuporta sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, lalo’t una nang nagpahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na aksaya lamang ito ng panahon.

Pahayag ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin kasunod ng paghahain ng impeachment complaint ng ilang advocacy groups, laban sa bise presidente.

Sa panayam sa Malacañang, sinabi ng kalihim na naging malinaw naman na ang unang pahayag ng Pangulo, na ililihis lamang ng impeachment complaint ang atensyon ng gobyerno at mga mambabatas, na dapat ay nakatuon lamang sa pagtugon sa kung ano talaga ang pangangailangan ng mga Pilipino.

Tulad aniya ng sinabi ng Kongreso, hahayaan na lamang nila na gumulong ang proseso ngayong naihain na ito.

“What the House of Representatives is saying is we let the process flow. Kami naman, what do we need to say? The President already made it clear and unambiguous statement that he will not support an effort to impeach. Kasi distracting. Marami tayong pangangailangan na gawin. Importante sa bayan.” – Bersamin

Kung matatandaan, una na ring sinabi ng kalihim na walang kinalaman ang Malacañang sa impeachment complaint na ito, at ang hakbang na ito ay desisyon lamang ng private citizens na naghain nito habang prerogative rin ng sino mang miyembro ng Kamara ang pag-endorso dito.

“The impeachment complaint filed in the House of Representatives by several private citizens is clearly the complainants’ independent initiative, and its endorsement the prerogative of any Member of the House of Representatives. The Office of the President has nothing to do with it.” -Bersamin. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us