Nagbabala ang PAGASA hinggil sa inaasahang malalakas na pag-ulan dulot ng shear line at Intertropical Convergence Zone (ITCZ). Ngayong araw, makakaranas ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan (50-100 mm) ang mga lugar ng Quezon, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental. Bukas, asahan ang katulad na dami ng ulan sa Quezon.
Mas mataas ang posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar, lalo na’t maaaring lumala ang epekto ng ulan dulot ng naunang pag-ulan sa mga apektadong lugar. Hinihikayat ang publiko at ang mga tanggapan ng pamahalaan na responsable sa disaster risk reduction and management na magsagawa ng kaukulang hakbang upang maprotektahan ang buhay at ari-arian.
Magbibigay ang mga Regional Services Divisions ng PAGASA ng Heavy Rainfall Warnings, Rainfall/Thunderstorm Advisories, at iba pang impormasyon ukol sa lagay ng panahon para sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Maliban kung mayroong makabuluhang pagbabago, ang susunod na Weather Advisory ay ilalabas mamayang alas-11 ng umaga. Patuloy na mag-ingat at manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso mula sa PAGASA. | Ulat ni Emmanuel Bongcodin | RP1 Albay