Nakikipag-ugnayan na ang Department of Migrant Workers (DMW) sa iba’t ibang bansa sa Gitnang Silangan para sa malakihang deployment ng mga Overseas Filipino Worker (OFWs).
Ito’y ayon sa DMW ay matapos na ipatupad ng ilang bansa gaya ng Qatar ang “No Placement Fee” policy na layong makahikayat ng maraming dayuhang manggagawa sa kanilang bansa.
Ayon kay Migrant Workers USec. Patricia Yvonne Caunan, bukod sa Gitnang Silangan ay nagpahayag na rin ang mga bansa sa Europa gaya ng Austria at Finland na magpapatupad na rin ng No Placement Fee policy.
Inaasahan namang ilalabas ng Kagarawan ang listahan ng mga bansang magpapatupad ng kahalintulad na polisiya sa mga susunod na araw.
Samantala, nakatakdang mag-ulat si DMW Sec. Hans Leo Cacdac ngayong araw na may kaugnayan sa nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng Lebanon at Israel, ang mga panuntunan sa pagpapadala ng support staff sa Saudi Arabia.
Gayundin ang patungkol sa white listing rules at ang Overseas Labor Market Situationer. | ulat ni Jaymark Dagala