Malalaking bridge at irrigation project, apruado na ng NEDA Board

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang implementasyon ng Ilocos Norte-Ilocos Sur-Abra Irrigation Project (INISAIP) at ng Accelerated Bridge Construction (ABC) Project para sa pagpaigting na economic mobility at calamity response ng bansa.

Sa ika-23 NEDA Board meeting, binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang nabanggit na P37.5 billion na irrigation projects sa Norte, dapat maipatupad sa lalong madaling panahon.

Long overdue na aniya ang proyektong ito, at ilang beses na rin nai-prisinta sa mga pulong simula pa noong 2018, at una na ring nabanggit sa kanya noong governor pa siya ng Ilocos Norte.
  
Ayon sa Pangulo, magbi-benepisyo sa proyekto ang mga probinsya ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Abra.    

Para naman sa ABC Project, kabibilangan ito ng konstruksyon ng pitong tulay at viaducts na layong tugunan ang traffic congestion sa priority areas, at 22 calamity response bridges, na nagsisilbing alternate access routes sa panahon ng kalamidad.

“Considering that the DPWH has already complied with the instructions of the ICC. I think we can go ahead and move to [approve]. Hearing no objections, the Accelerated Bridge Construction Project for Greater Economic Mobility and Calamity Response is approved,” -Pangulong Marcos.

Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng P5. 681 billion, at popondohan sa pamamagitan ng Official Development Assistance (ODA), at sisimulan sa January 2025 n matatapos hanggang December 2029.

“The project will restore efficient connectivity, construct bridges that can alleviate traffic congestion, create permanent composite bridges, and provide bridges for calamity response in compliance with existing DPWH specifications.” -PCO. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us