Nagpaabot ng pasasalamat ang Manila LGU sa pamumuno ni Mayor Honey Lacuna kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos ipamahagi ang libo-libong kilo ng frozen mackerel mula sa nakumpiskang smuggled shipment para sa mga residente ng Baseco, Tondo, Maynila.
Ipinahayag ni Mayor Lacuna na naging madali ang distribusyon dahil sa mahusay na social welfare system ng lungsod kaagapay ang pakikipagtulungan ng Malacañang at Department of Social Welfare and Development.
Ipinaabot din ni Lacuna ang pasasalamat sa malasakit na ipinapakita ni Pangulong Marcos na ayon sa kanya na nag bawat kahon ng isda na ipinamahagi ngayong araw ay simbolo ng pagkalinga ng pamahalaan sa mga Manileño.
Pinuri rin niya ang suporta nina Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, DILG Secretary Jonvic Remulla, at Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel.
Bawat residente ay tumanggap ng tig-dalawang kilo ng isdang tulingan na ligtas kainin, batay na rin sa pagsusuri na isinagawa ng Department of Agriculture, bagay na tiniyak ni DA Sec. Laurel.| ulat ni EJ Lazaro