Manila solon, nanawagan sa DOH na agapan ang pagkalat ng TB sa Tondo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Manila Representative Rolando Valeriano na mabilis matutugunan ng Department of Health (DOH), partikular ng Tuberculosis Directly Observed Treatment, Short-course (TB DOTS) program ang naitalang pagtaas sa kaso ng tuberculosis sa Tondo.

Ani Valeriano, posibleng kumalat o magkahawaan ng sakit sa mga evacuation center dahil sa sunod-sunod na mga sunog at pagabaha sa kanilang lugar kamakailan.

Sabi naman ng mambabatas, nagagamot ang TB kaya mahalaga ang maagap at maigting na kampanya ng DOTS at pagsiguro na may available na gamot.
 
“TB is curable. This is what the DOTS program of DOH is for. Responsibility is with the DOH to make the DOH prophylaxis or treatment regimen fully available and for DSWD to facilitate and coordinate.” ani Valeriano

Nagpasalamat din ang mambabatas kay Iloilo Rep. Janette Garin at sa Doctors Without Borders, na kinalampag ang kinauukulang ahensya matapos madiskubre ang pagtaas sa kaso ng tuberculosis sa kanilang lugar. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us