Magtutulungan ang Manila Water at University of the Philippines Diliman para pahusayin ang kakayahan sa pamamahala sa tubig at wastewater.
Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan ng Manila Water at UP Diliman para sa research program, na tinawag na Removal of Excess Nitrogen and Endocrine Disruptors from Wastewater (RENEW).
Nilalayon ng Project RENEW na pahusayin ang pag-alis ng nitrogen at mga Endocrine-Disrupting Compound (EDC) mula sa wastewater na nagdudulot ng panganib sa kapaligiran at kalusugan ng publiko.
Ayon sa water company, pangunahing bahagi ng proyekto ang pagbuo ng mga microbial solution na magpapahusay sa wastewater treatment, partikular ang Biological Nutrient Removal (BNR) para sa nitrogen at ang pagkasira ng mga EDC.
Ang Project RENEW ay pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST) sa pamamagitan ng Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Research and Development.
Sinusuportahan din ito ng Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources. | ulat ni Rey Ferrer