Nagpamalas ng ibayong pag-iingat at kalkulasyon ang Marcos Administration sa ginawa nitong pagbusisi sa higit P6.3-T na 2025 National Budget, bago ito tuluyang malagdaan ngayong araw (December 30).
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. batid ng administrasyon ang limitadong resources ng pamahalaan, at ang maraming pangangailangan ng mga Pilipino.
“So much so that even grand ambitions and great plans must be tempered,” —Pangulong Marcos.
Dahil dito, dapat lamang aniya na maging mapanuri sa mga paglalaanan ng pondo sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA).
“We must exercise maximum prudence otherwise, we run the risk of increasing our deficit and debt and derailing our development agenda for our country,” —Pangulong Marcos.
Ito rin ang dahilan, kung bakit nasa PhP196 billion na halaga ng ilang probisyon sa budget, vineto ni Pangulong Marcos.
Aniya, hindi raw ito tumutugon sa pangangailangan ng publiko.
Habang magpapatupad rin ng condition implementation ang pamahalaan sa ilang items sa GAA, upang masiguro na ang pera ng publiko, magagamit nang angkop at naaayon sa batas.
“This budget reflects our collective commitment to transforming economic gains into meaningful outcomes for every Filipino. It is designed not just to address our present needs, but to sustain growth and uplift the lives of generations that are yet to come,” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan