Mary Jane Veloso, malayang mabibisita ng kapamilya matapos ang 5 araw na quarantine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sasailalim muna sa 5-day quarantine period si Mary Jane Veloso, bago tuluyang ipasok sa kaniyang pasilidad kung saan siya mananatili, kasama ng iba pang persons deprived of liberty (PDL).

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Justice Undersecretary Raul Vasquez, na kailangan kasing masiguro na walang naiuwi o nasagap na sakit si Veloso, upang masiguro rin ang kalusugan ng mga makakasalamuha nito sa piitan.

“After this kasi, magkakaroon ng five days na quarantine,
kasi tignan natin kung meron bang dalang sakit, or anoman, nasagap niya… para siguradong hindi naman magkaka-problema ‘yung mga kasamahan niya sa piitan.” -Usec. Vasquez

Ayon sa opisyal, sa December 24, maaari na muling makadalaw ang pamilya Veloso.

Malaya rin aniyang magpabalik-balik ang mga ito sa pagbisita, basta’t sumunod lamang sa mga polisiya ng BuCor.

“They can visit as often as they want, for as long as they will follow the protocols of the BuCor.” -Usec Vasquez. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us