Magtutungo na bukas, December 6 ang isang team ng Department of Justice (DOJ) sa Indonesia para makipag-ugnayan sa kanilang counterpart kaugnay ng pagpapa-uwi kay Mary Jane Veloso, ang Pinay na nahatulan na makulong dahil sa kasong may kinalaman sa droga.
Ayon kay Justice Undersecretary Raul Varquez, paplantsahin nila sa pamahalaan ng Indonesia ang mga hakbangin para maibalik na sa Pilipinas si Veloso.
Kung wala daw magiging sagabal, malaki ang posibilidad na dito na mag-Pasko sa Pilipinas si Veloso.
Kumpiyansa naman ang DOJ na magiging madali na lamang ang proseso sa panig ng Pilipinas kapag naayos na sa Indonesia ang mga kaukulang dokumento. | ulat ni Mike Rogas