Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs ang publiko na agahan ang kanilang aplikasyon o renewal ng passport ngayong holiday season.
Paliwanag ng DFA, ngayong panahon ng kapaskuhan, inaasahan ang mataas na demand sa passport services, kaya para maiwasan ang anumang abala ay agahan na ang pag-renew o pag-apply ng mga passports.
Paalala din ng ahensya na iwasang mag book ng flights o mag sumite ng VISA applicatjon ng walang passport na vallid ng anim na buwan.
Dagdag ng DFA na para sa mas maayos na proseso ng passport application o renewal, maIging mag-set ng appointment sa www.passport.gov.ph at ihanda ang mga kinakailangang dokumento bago ang naitakdang schedule.
Ang naturang website umano ay may komprehensibong panuntunan para sa passport application process at mga kailangan requirements. | ulat ni Lorenz Tanjoco