Mas mahigpit na proseso ng liquidation ng confidential funds, dapat ipatupad matapos matuklasan na walang “Mary Grace Piattos”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Labis na ikinabahala ng ilang mambabatas ang pagkumpirma ng Philippine Statistics Authority (PSA) na wala sa kanilang records ang sino man na nag-ngangalang Mary Grace Piattos.

Ayon kay Zambales Representative Jay Khonghun, nakakabahala na umabot sa ganitong lebel ng pagsisinungaling lalo na mula pa man din sa isang opisyal ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Khonghun, kaya pala walang kumukuha ng pabuya na P1 million ay dahil sa peke pala si Mary Grace Piattos.

“Hindi lang ito simple na isyu ng pangalan; pinagmumulan ito ng mas malalim na problema sa transparency at accountability. Kung kaya nilang mag-imbento ng ganito, ano pa kaya ang mga nakatagong transaksyon?” tanong ni Khonghun.

Kaya naman panawagan ni Khonghun, na maghigpit sa mga panuntunan sa mga ganitong uri ng transaksyon upang maiwasang maulit ang ganitong pangyayari.

Sabi naman ni Tingog party-list Rep. Jude Acidre, mabuti na rin na mismong PSA na ang nagpatibay na wala ngang taong Mary Grace Piattos.

Dahil dito, hindi malayo na ang iba pang pangalang ginamit sa acknowledgement receipt at resibo ay hindi rin totoo.

Kaya mas lalong kailangan suriin ang mga kaduda-dudang resibo na isinumite sa Commission on Audit.

“Maganda po na nanggagling na mismo sa PSA ang pagtitibay na wala hong taong nagngangalang Mary Grace Piattos…Sabi nga natin pag may nakita tayong mali sa isa, hindi malayong ganoon din yung iba. May Latin Dictum yun e, falsus in unum, falsus in omnia. So from a legal standpoint, we find probably kung sa…may basis po tayo na tanungin at suriin pa kung yung ibang mga resibo, yung ibang acknowledgement receipts,” sabi pa ni Acidre. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us