Nanawagan si OFW Party-list Representative Marissa Magsino sa pamahalaan na magpatupad ng mas mahigpit na proteksyon para sa mga OFW sa United Kingdom, partikular ang nasa household service sector.
Kasunod ito ng naging pagbisita ng mambabatas sa UK at pakikipagpulong sa Filipino migrant workers doon.
Aniya, maraming naitalang insidente ng pang-aabuso sa undocumented Filipinos.
“These cases highlight the urgent need for enhanced protections and better oversight to safeguard our workers,” sabi ni Magsino.
Aniya, batay sa mga lider ng Filipino community sa UK, nalalaman na lang umano ng Philippine Embassy na mayroon pa lang mga undocumented worker kapag nagkaproblema na sila.
Mayroon pa aniyang ginawang rescue operations para sa mga Filipino domestic worker, na nakaranas ng pisikal na pananakit. Ang ilan aniya sa kanila, pinagtatrabaho ng 24-oras.
Natukoy naman, na ilan sa mga undocumented OFW ay pumasok sa UK mula sa ibang bansa kaya’t mas nahihirapan silang i-monitor ng ating embahada.
“According to these leaders, the Philippine embassy often becomes aware of these workers only after a crisis has occurred, with many of them living in precarious situations. Some workers, they revealed, did not come directly from the Philippines but from other countries where they had been legally employed before seeking better opportunities in the UK. This complicates the embassy’s ability to track their status or provide support.”dagdag niya | ulat ni Kathleen Forbes