Mas matibay na proteksyon para sa mga pasahero tuwing holiday rush, isinusulong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinutulak ni Senador Sherwin Gatchalian na magkaroon ng isang batas na magpapalakas sa karapatan ng mga pasahero ng mga taxi at tourist car transport services, lalo na tuwing panahon ng holiday rush kung kailan mas sumisikip ang trapiko at bumababa ang kapasidad ng mga pampublikong transportasyon.

Kaugnay nito, inihain ng senador ang Senate Bill 819 o ang Rights of Passengers of Taxis, Tourist Car Transit Services and Other Similar Vehicles for Hire law.

Ayon kay Gatchalian, ang mga pampublikong transportasyon ay karaniwang kapaki-pakinabang at in demand tuwing rush hour, panahon ng kapaskuhan, tag-ulan, at dis-oras ng gabi kung kailan problema ang kaligtasan ng mga pasahero at kulang ang ibang paraan ng transportasyon. 

Pero sa kasamaang palad, maraming mga reklamo ng mga pasahero na biktima ng mga abusadong driver ng mga taxi at iba pang sasakyang paupahan kapag ganitong panahon o oras.

Kaya naman sa pamamagitan aniya ng panukalang batas na ito ay layong magkaroon ng batas na magtatakda ng mga karapatan ng mga pasahero, at mabigyan ng proteksyon ang publiko laban sa mga abusadong driver ng taxi at iba pang mga sasakyang paupahan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us