Masayang salo-salo at gift-giving, isinagawa ng DSWD sa iba’t ibang center and residential care facilities sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagsagawa ng taunang Year-End Party ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba’t ibang Centers and Residential Care Facilities (CRCFs) sa bansa.

Ito ay upang magbigay ng saya at ngiti sa mga residente at kinukupkop ng mga CRCF ng DSWD.

Ayon sa DSWD, sa simpleng selebrasyong ito, nakatanggap din ng regalo ang mga residente para mas maipadama sa kanila ang diwa ng Pasko.

Sa DSWD-NCR, sabay-sabay na nagsagawa ng Christmas Party ang Marillac Hills—National Training for Girls; Haven for Children, at Ina Healing Center.

Ang CRCF ay isa sa mga programa ng DSWD na nagsisilbing ligtas na tahanan para sa mga vulnerable at disadvantaged na mga kabataan, kababaihan, senior citizens, persons with disability, at iba pang mga indibidwal at pamilyang dumaranas ng krisis. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us