Masusing imbestigasyon upang mapapanagot ang mga nasa likod ng pamamaslang kay Rajah Buayan, tiniyak ng Office of the Special Assistant to the President

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinu-kondena ng Office of the Special Assistant to the President (OSAP) ang insidente ng pananambang at pagmamaril sa Rajah Buayan, Maguindanao del Sur, noong nakaraang linggo.

Ayon sa tanggapan ni Secretary Anton Lagdameo, ipinaaabot nila ang taos pusong pakikiramay sa mga naiwang mahal sa buhay nina Jinn Utto Lumenda-Basalo at ang tatlong buwan nitong anak, na patungo lamang sana noon sa Barangay Gaunan, nang tambangan at pagbabarilin sa isang ambush.

Batid aniya ng pamahalaan ang sakit na dinaranas ng mga apektado ng karahasang ito.

“We understand the pain and suffering caused by these violent acts, and offer our sincere condolences for the tragic deaths of Jinn Utto Lumenda-Basalo and her three-month-old daughter.” – OSAP.

Makakaasa aniya ang publiko, na ang National Government, sisigurihin ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan nito. At ang mga ganitong akto ng krimen at karahasan ay hindi ku-konsintihin.

“Rest assured that we in the national government remain committed in ensuring the safety and security of all citizens, as these acts of violence and impunity will not be tolerated.” – OSAP.

Nakikipagugnayan na aniya ang pamahalaan sa local law enforecement agencies, para sa ikadarakip ng mga nasa likod ng mga karahasang ito.

“We are already coordinating with local law enforcement agencies for an extensive and swift investigation to bring the perpetrators to justice, and to ensure that incidents like this never happen again. We will continue to work towards lasting peace and stability not just in Rajah Buayan but in the entire region.” – OSAP. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us