Meralco sa publiko: Mag-ingat sa paggamit ng kuryente sa pagsalubong ng Bagong Taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ng Manila Electric Company (Meralco) ang publiko na mag-ingat sa paggamit ng kuryente para maiwasan ang mga aksidente sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga, mananatiling nakabantay ang kanilang mga crew 24 oras para masiguro ang tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa kanilang mga customer.

Kaugnay nito, nagbigay ang Meralco ng ilang safety tips sa publiko para sa ligtas na pagdiriwang ng Bagong Taon.

Kabilang dito ang huwag magsindi ng paputok malapit sa mga poste, kable, at transformer.

Huwag din magpapalipad ng lobo at party popper sa mga kawad ng kuryente.

Kailangan ding maghanda ng fire extinguisher sa bahay para sa posibleng sunog.

Pinagbabawal din ang octopus connection o pagdugtong-dugtong ng mga extension cord, para makaiwas sa sunog.

Pinapaalalahanan din ang publiko na tanggalin sa saksakan ang mga Christmas light at appliance kung hindi ginagamit o bago umalis ng bahay. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us