Umakyat pa sa higit 10,000 pamilya, o katumbas ng 44,000 indibidwal, ang apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon sa Negros.
Ayon sa DSWD, as of December 17, mayroon na ring higit 4,000 pamilya, o katumbas ng 15,000 indibidwal, ang pansamantalang inilikas sa evacuation centers, habang higit 600 pamilya ang nakikitira rin sa mga kaanak.
Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang pagpapaabot ng tulong ng DSWD sa mga pamilyang apektado, na umabot na sa P27 milyon.
May kabuuang 18,881 kahon ng family food packs (FFPs) na rin ang naipamahagi ng ahensya sa mga apektadong residente ng Region 6 – Western Visayas at Region 7 – Central Visayas.
Gayundin, ang mga non-food items (NFIs) tulad ng modular tents, family kits, kitchen kits, at sleeping kits.
Tuloy-tuloy din ang koordinasyon sa pagitan ng DSWD Field Offices at LGUs upang matiyak na nasa maayos na kalagayan ang mga evacuee at mabigyan ng psychosocial aid. | ulat ni Marry Ann Bastasa