Pinagtibay ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang naisin nitong magkaroon ng mga dekalidad na atletang Pilipino sa pamamagitan ng pakikipag tulungan kay volleyball phenom Alyssa Valdez.
Sa ginananap na Memorandum of Agreement signing sa lungsod ng Muntinlupa – binigyang diin ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon na layon nilang hasain ang potensyal ng mga kabataang Muntinlupa habang pinapalakas ang ugnayan sa pamilya at komunidad.
Giit ni Biazon, nais ding maitaguyod ng lungsod ang adbokasiya nito na kalusugan, disiplina at positibong kaugalian ng mga kabataan sa pamamagitan ng sports.
Base sa naturang kasunduan, magsasagawa si Valdez ng volleyball training para sa mga kabataan sa darating na Enero 2025. | ulat ni Lorenz Tanjoco