Binati ng Department of Science and Technology Regional Office-9 (DOST-9) ang tatlo nitong mga empleyado dahil sa matagumpay na pagkamit ng mga kinakailangang kakayahan bilang mga certified Halal lead auditors sa Zamboanga Peninsula.
Ang tatlong Halal auditor ay kinabibilangan nina Provincial Director Nuhman Aljani, Gng. Jeyzel Aparri-Paquit, at Engr. Herma Joyce Alburo.
Ang certification training ay pinangunahan ng DOST XI at isinagawa ni Dr. Hj. Rafek Saleh, executive director ng Malaysian Halal Consultation and Training (MHCT) Agency, na ginanap sa Davao City.
Dahil dito, mayroon nang mga kinatawan ang DOST-9 na mamumuno at magsasagawa ng inisyatiba upang matiyak ang pagtalima sa international Halal standards, at makakaambag sa kaunlaran ng Halal industry sa ating bansa sa pamamagitan ng komprehensibong auditing practices at dekalidad na assurance systems.
Ang kadalubhasaan ng tatlong empleyado ay makatutulong sa pagsulong ng Halal certification at standards sa Zamboanga Peninsula, at magpapalakas sa DOST Halal Science and Technology (S&T) Program | ulat ni Lesty Cubol | RP1 Zamboanga